-Umani ng mga papuri ang isang branch ng Mang Inasal dahil sa pagtanggap nito sa isang may edad na crew

-Ayon sa ilang netizens, isa itong ehemplo ng kawalan ng diskriminasyon sa ating bansa

-Maging ang crew na ito ay umani rin ng mga papuri online

Umabot sa mahigit 21,000 shares ang Facebook post ng netizen na si Gremma Cuello Avellano tampok ang sikat na fastfood na Mang Inasal.

Pinuri ni Avellano ang isang branch ng Mang Inasal sa loob ng isang sikat na mall.

Ito ay dahil sa pagkakaroon nila ng empleyadong may edad na. Kinilala itong si tatay Armando, isang service crew sa nasabing fastfood.

Samantala, umani rin ng mga papuri ang Mang Inasal na ito mula sa mga netizens. Patunay raw ito ng kawalan ng diskriminasyon.

“Mabuhay ka, Mang Inasal. Good example na wala kang diskriminasyon.”

“Sana lht gnito,”

“Ganyan dapat laging ang mga kumpanya Walang diskriminasyon more Power mang inasal.”

“Sana lahat ganun..walang age limit..kudos Mang Inasal!!”

“Nkaka proud nmn yang mang inasal.,Dapat ganyan lahat.”

“Sana lahat ganyan yung tipong binibigyan ng pagkakataon yung iba na makapag trabaho.”

“Mas madami pa blessings matatangap ng Mang Inasal pag ganito gagawin nila tuloy tuloy.”

“Dapat mas lalo naten support itong branch na ito para makapag bigay inspirasyon din sa lahat ng kumpanya.”

Ayon sa Republic Act 10911 o Act Prohibiting Discrimination Against Any Individual on Accounts of Age, wala na dapat diskriminasyon sa edad kapag ikaw ay nag-a-apply ng trabaho.

OFW man o isang Filipino na lokal na naghahanap ng trabaho.

Source: Kami.