– Maraming nalungkot sa ɓɾυtɑl na ρagρatɑყ sa isang buntis na ina at sa batang anak nito

– Umamin ang kapitbahay na 12 taong gulang sa ρagρatɑყ sa mag-ina

– Ginawa raw ng bata ang ƙɾimεռ matapos nakawan ang mga biktima ng P100

Mayroon ng umamin sa ɓɾυtɑl na ρagρaslang sa isang buntis na nagngangalang KC Montemayor at sa 4-anyos na anak nito na si Chelsea Jade sa Lubao, Pampanga.

Nalaman ng KAMI na isang 12 taong gulang na batang lalake ang umamin sa ƙɾimεռ.

Sa report ng Philippine Daily Inquirer (iniulat ni Tonette Orejas), ρiռɑtɑყ daw ng bata ang mag-ina matapos itong magnakaw ng P100 mula sa bahay ng mga biktima.

Kapitbahay ng mga biktima ang menor de edad na suspek.

May mga dugo ang suot na shorts ng suspek at meron ding mga sugat sa kanyang kamay.

Mayroon ding lalakeng witness na nagsabing nakita niya ang 12-anyos na bata na itinapon nito ang isang kutsilyo at ang shirt nitong puno rin ng dugo.

Kasama ng bata ang mga magulang nito nang umamin siya sa isang social worker sa pagpatay sa mag-ina.

Source: Kami.