– Isang ina ang nanawagan sa socmed na mapaabot ang nangyayari sa anak niya kay Idol Raffy

– Iba’t-ibang klaseng paghihirap ang dinadanas ng bata sa kanyang ama sa tuwing hindi makakapagbigay ng pera ang ina niya

– Mayroong tatalian siya sa leeg at ipapatong sa bangko, at minsa’y tinatakot pa siya ng kutsilyo

Isang inang labis na nasasaktan sa nangyayari sa kanyang 2-anyos na anak ang nanawagan sa Facebook.

Nalaman ng KAMI na binubunton ng ama ang galit sa anak sa tuwing hindi makapagbigay ng pera ang ina.

Sa mga litratong ibinahagi ni Bestudio Weng ng kanyang anak, makikita ang iba’t-ibang pamamaraan ng ama ng pagpapahirap sa kanyang anak.

Ipinatong niya ang 2-anyos sa bangko at tinalian ang leeg. Mayroon ding tinatakot niya ito ng kutsilyo pero umuurong ang bata.

Sa isang pag-reply ni Weng sa mga nagcomment sa litratong ishinare niya, sinabi niyang nakikita niyang tulog ang bata ngunit ito’y sinipa-sipa ng ama.

Dahil isang OFW at di pa makakauwi, nakiusap na raw ang ina sa kamag-anak na sa kanila na lang muna ang anak niya.

Kaya lang, walang nais umaruga sa bata dahil natatakot daw sila.

Dahil dito, kaya napwersahan si Weng na manawagan sa FB, at makarating ang sitwasyon ng anak niya kay Idol Raffy at matulungan ang bata.

Nawa’y makarating nga ang nangyayari sa bata kay Idol Raffy at masagip ang bata sa pinakamadaling panahon.

Source: Kami.