-Isang nakakagulantang na balita ang bumungad sa ilang netizens kaugnay sa isang 5-anyos na batang giռɑɦɑꜱɑ at ρiռɑtɑყ

-Ayon sa kaanak ng biktima, tatlo umano ang lumapastangan sa bata na ayon pa sa mga ito ay mga adik

-Dahil dito, nananawagan ang pamilya ng bata na ibalik na ang bitay

Hindi matanggap ng pamilya ng batang si Chrizel Alburo, 5-anyos, ang sinapit nito mula sa tatlong lalaking gumagamit umano ng droga.

Ayon sa isang Facebook user na si Jayvee Mejares sa pamamagitan ng kanyang post, giռɑɦɑꜱɑ at ρiռɑtɑყ ang batang si Chrizel, pagkatapos ay isinilid pa sa bag.

March 22, nang matanggap daw nila ang masamang balita mula sa ama ng bata na natagpuan ang biktima sa hindi kaaya-ayang paraan, matapos mawala.

Batay sa kwento ni Mejares, pumunta umano ang biktima sa bahay kung saan nakikitira ang suspek upang makipaglaro sa isang bata roon.

Dahil tiwala ang pamilya at hindi umano alam ng ina ng biktima na may kaso pala ang suspek dahil sa pagnanakaw. ‘Di rin nila batid na gumagamit pala ng droga ang lalaki.

Kaya hinayaan nilang pumunta mag-isa ang biktima na posbileng dati na nitong ginagawa.

Ngunit wala umano ang pakay nito sa bahay, maging ang may-ari ng bahay na kapatid pala ng suspek.

Posible umanong ginamit ang pagkakataon na ito ng suspek kasama ang dalawang iba pa, ayon na rin sa mga impormasyong nakuha ni Mejares.

Hustisya ang isinisigaw ng pamilya lalo pa at ayon sa kanilang latest na update ay nakalalaya pa ang mga suspek.

Sumama pa umano ang isa sa mga ito noong mga oras na hinahanap pa lang nila ang biktima na mas lalong ikinasama ng loob ng pamilya.

Sa kanyang post, ibinahagi na rin ni Mejares ang larawan ng suspek at maging ng biktima.

Nakikiramay ang KAMI sa pamilya ng biktima. Hinahangad rin namin ang hustisya para sa musmos na maagang pumanaw dahil sa makamundong mga bagay.

Source: Kami