-Pagkatapos ng sunod-sunod na ulat kaugnay sa ραgκαmαταy ng ilang kalalakihan pagkatapos uminom ng lambanog, 9 na iba nαmαtαy din

-Ayon sa ulat, parehong ng sintomas ang mga naramdaman ng mga lalaking nαmαtαy sa QC ang naramdaman ng 9 na nasawi

-Patuloy namang iniimbestigahan ang brand ng lambanog na ininom nila

Pagkatapos na maiulat ang sunod-sunod na ραgκαmαταy ng ilang kalalakihan sa Quezon City, Laguna at Tarlac na una nang naibalita ng KAMI, siyam na iba pa nαmαtαy rin sa magkaka-ibang bayan ng Laguna.

Ayon sa ulat ng GMA News, kinilala ang mga вiktimα na si Gonzalo Latorre, Jr., Severino Callos, Ermino Caramay at Roy Basbas.

Katulad ng iba pang nαsαwi, nakaramdam din daw ng pananakit ng tiyan ang mga biktima at pagkawala ng paningin. Nahirapan din daw ang mga itong huminga.

Si Latorre ang unang namatay na sinubukan pa umanong i-revive.

Sumunod ay si Callos na pαtαy na ng makita ng mga kaanak nito.

“Matigas na siya nang makita namin…Pinakain ng kaunti, pinainom ng kape. Nilipat doon, eh di sinabi niya, wala daw siyang makita. Tapos ang hinahalukay raw, ang bituka.” ayon sa kapatid nito.

Sumunod na nαmαtαy sila Caramay at Basbas.

Dalawa sa anim na nag-inuman, nakaligtas. Isa dito si Robert Cruz, na agad daw kumain ng asukal nang may maramdamang kakaiba sa katawan.

“Lagi naman kaming umiinom niyan. Ngayon lang kami naapektuhan,” anito.

Ipinakita pa nito ang plastic bottle na lalagyan ng lambanog na kanilang ininom. Naiwan pa ito sa lugar kung saan sila nag-inuman.

Ang kapatid naman daw ng binilihan nilang tindahan ay uminom din ngunit hindi naman daw ito naapektuhan. Handa naman daw itong makipagtulungan sa imbestigasyon.

Sa Calamba naman, lima din ang nαmαtαy pagkatapos na uminom ng kaparehong brand ng lambanog.

Ayon sa ulat, nag-inuman ang mga ito noong November 28.

November 29, nαsαwi si Jonathan Barceta na nakaramdam ng pananakit ng tiyan, paninikip ng dibdib at lumabo ang paningin.

“Tumigil ang heartbeat tapos ‘yun na nga ang findings niya, tumaas ang potassium. Nag-cardiac arrest,” ayon sa kaanak ng вiktimα sa panayam sa GMA News.

Sa burol nito, nag-inuman ang mga kumpare nito ng nasabing lambanog at magkakasunod na nαsαwi rin sila Jesus Ulanday, kasunod si Roderick Martinez, Cornello Opulencia at Nestor Mancay.

Sa report, sinusuri na nga City Health Office ang brang ng lambanog na itinuturong salarin.

Source: Kami

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here