– Dumulog sa tanggapan ng ‘Raffy Tulfo in Action’ ang magulang ng isang 16 anyos na lalaki

– Tinanan daw ng isang 26 anyos na titser ang kanilang anak

– Maraming netizens ang nag-react at nagbigay ng komento ukol dito

Naghihinagpis ang mga magulang ng isang 16 anyos na lalaki, Grade 9 student, na dumulog sa tanggapan ng ‘Raffy Tulfo in Action.’

Nalaman ng KAMI na inirereklamo nila si Angelika Uy, 26 anyos, na isa raw titser dahil itinanan daw ang kanilang anak.

Ayon pa sa kanila, isang taon na ang lumipas mula ng umalis sa kanila ang kanilang anak.

Sa kuwento pa nila, nagkakilala raw sa Facebook ang dalawa. Pinag-aaral din daw ni Angelika at binibilan ng mga gadgets at mamahaling gamit ang anak nila.

Maraming netizens ang nag-react sa kuwento nila. Marami ang nagsasabi na masuwerte nga ang anak nila at pinagaaral pa ng titser. May ilan pa ngang nam-bash sa magulang tungkol sa inirereklamo nila.

“Nako girl tanda MO pla sa ky boy ano bayan nkkahiya nmn Yan sau girl””” God bless you sir idol raffy tulfo”

“Ok LNG Nman Yan Kong ngmamahalan sila age doesn’t matter namn kapg love,kso LNG bata pa talga ung lalaki…”

“Nagkalabuan yun dalawa itinigil ni babae sustento sa magulang ni boy ayaw humiwalay ni boy. Kung magsalita yun nanay mukhang Chismosang salot”

“swerte na nga ng anak nila ee.. kung ako yan sure na sure na!. maka react naman ang magulang wagas!”

“Wala namang talo c boy kc lalake sya. Bukod s mgnda n nga c girl mapagbigay pa. Kya swerte n nya kung tutuusin.”

“so babae na ngaun ang ngtatanan hahaha …”

Sa nakaraang report ng KAMI, nag-viral ang video na ito ng isang Pinay domestic helper kasama ang alaga niyang bata at ang ina nito. Makikita sa video kung gaano kasakit sa kanila ang pag-alis ni kabayan. Umani ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens.

Watch video:

Source: Kami