– Marami ang nadurog ang puso sa kwento ng apat na taong gulang na bata na may cancer na maayos namaalam sa kanyang ina

– Hinangaan din ang tapang na pinakita ng batang si Nolan Scully na umabot din sa isang taon ang tiniis na paghihirap sa sakit na rhabdomyosarcoma na tumama sa bones at muscles niya

– May ilang mga taong tumulong matupad ang pangarap ng bata bago ito namaalam sa mundo

Tatlong taong gulang pa lamang si Nolan Scully noong ma-diagnose siya ng rhabdomyosarcoma, isang uri ng cancer na ang tinatamaan ay ang bones at muscles ng katawan.

Ayon sa tobln.com, mula ng magkaroon ng malubhang karamdaman si Nolan, gumawa ang kanilang pamilya ng Facebook page na tungkol sa mga pinagdaraanan ng bata.

Dahil dito, libo-libong Facebook followers niya ang namangha sa kakaibang tapang ni Nolan sa pakikipaglaban nito sa kanyang sakit.

Di raw kasi ito kinakitaan ng kawalan ng pag-asa at patuloy pa itong ngumingiti para sa mga tao sa paligid niya.

Gaya ng kanyang ama, naisa sanang maging bumbero ni Nolan paglaki. Huminto na ang kanyang ama sa pagtatrabaho para na rin mapagtuunan ng pansin ang anak.

Isa rin sa mga pangarap ni Nolan ang maging pulis. Tinupad ito ng city Police commisioner at kahit sa isang espesyal na araw lamang na iyon ay tinawag si Nolan na “Sgt. Rollin’ Nolan.”

Sa pinakikitang katatagan na ito ng bata, lalo siyang pinagdarasal di lamang ng kanilang pamilya at kaanak kundi ang mga taong nasubaybayan na rin ang kwento ng pinagdaraanang sakit ng bata.

Nang sumapit na ang araw kung kailan tanggap na ng pamilya ang kahihinatnan ni Nolan, Kinuwento ng kanyang ina kung paano ito namaalam sa kanila lalo na sa kanya.

Maging ang doktot na tumingin kay Nolan ay nadurog ang puso nang makita sa kahulu-hulihang CT scan nito na lumalaki at kumakalat lalo ang mga tumor malapit sa puso ng bata.

Pinaliwanag na rin daw noon ng doktor na di nakakayanin ng gamutan ang kalagayan na iyon ni Nolan.

Narito ang naging usapan ng mag-ina na iniyakan ng marami lalo ng mga magulang na labis ang pagmamahal sa kanilang maga anak:

Mom: Poot, it hurts to breathe, doesn’t it?

Nolan: Weeeelll…. yeah.

Mom: You’re in a lot of pain aren’t you baby?

Nolan: (looking down) Yeah.

Mom: Poot, this Cancer stuff s***s. You don’t have to fight anymore.

Nolan: (Pure Happiness) I DONT??!! But I will for you Mommy!!

Mom:: No Poot!! Is that what you have been doing?? Fighting for Mommy??

Nolan: Well DUH!!

Mom: Nolan Ray, what is Mommy’s job?

Nolan: To keep me SAFE! (With a big grin)

Mom: Honey … I can’t do that anymore here. The only way I can keep you safe is in Heaven. (My heart shattering)

Nolan: Sooooo I’ll just go to Heaven and play until you get there! You’ll come, right?

Mom: Absolutely!! You can’t get rid of Mommy that easy!!

Nolan: Thank you, Mommy!!! I’ll go play with Hunter and Brylee and Henry!!”

Matapos ang paalamanan na ito, napaliguan pa si Nolan. Di na lalong iniwan si Nolan ng kanyang ina. Bago ito pumikit para matulog, kinakantahan niya pa ito ng “You are my sunshine” hanggang sa magsalita ito ng “I love you Mommy” bago ito pumikit at di na muling nagising.

Masakit man sa pamilya ni Nolan ang maaga niyang pagkawala, naniniwala naman silang isa na itong anghel na nag-aabang sa kanila sa langit upang sila’y magkasama-samang muli.

Source: Kami