– Isang Bumbay ang dumulog sa barangay upang ireklamo ang mga taong pinapautang niya

– Hindi raw kasi nagbabayad ang mga taong pinapautang niya ng pera at pinagtataguan pa siya sa tuwing maninigil na siya

– Sabi ng Bumbay yung lindol daw hindi nararamdaman pero siya, malayo pa raw ay ramdam na

Kadalasan, Pilipino ang nagrereklamo ng kapwa nilang Pilipino sa barangay. Pero, sa ngayon, iba ang dumulog sa barangay, isang Bumbay!

Nalaman ng KAMI na hindi pala nagbabayad ng kanilang utang ang mga Pinoy na pinapautang ni Bumbay!

Ang malala pa ay pinagtataguan siya ng mga pinautang niya.

Ayon sa salaysay niya sa isang video na inupload sa Facebook, yung lindol daw ay hindi nararamdaman, pero siya raw, malayo pa ramdam na.

“Pag lindol hindi ramdam, pag ako dating, layo pa lang ramdam na agad!”

Bagamat dinaan sa tawa, makikitang nanlulumo na ang Bumbay dahil sa hindi pagbayad ng kanyang pinautang.

Ang isa pang sinabi niya na kumiliti sa maraming netizens ay nung nagbigay daw siya, yung aso ay nakatali, pero nung naniningil na siya, yung aso hindi na nakatali.

Naawa naman ang maraming netizens sa sinapit ng Bumbay na namumuhay sa pagpapautang.

Watch video:

Source: Kami