Sadyang mapaglaro ang kapalaran sa atin. Minsan, daraan talaga tayo sa matinding pagsubok na inaakala nating wala nang katapusan.

Ngunit lingid sa ating kaalaman na ang mga pinagdaraanan pala nating ito ang siyang magbibigay sa atin ng lakas upang mapaghandaan ang mas magandang bukas.

Gaya na lamang ng kwento ng sundalong nagpakilalang si “Perlas,” na sadyang kahanga-hanga at tiyak na kapupulutan ng aral.

Bago pa siya maging isang ganap na sundalo, matinding kahirapan ang sinuong niya sa kanyang kabataan. Nakaranas siya ng madalas na pagkagutom, at iwan ng ina na magpasa-hanggang ngayon na ay di pa rin muling nagpapakita sa kanila.

Narito ang kabuuan ng kwento ng sundalong si “Perlas” na buong tapang niyang binahagi sa KAMI:

“Hi kami, Call me Perlas as my Callsign at sana kapupulutan ng aral at inspirasyon ang aking kwento.

Sinong mag aakala na ang batang nagugutom noon, ang batang walang matirhan noon at ang batang nanglilimos lang ng pagkain sa mga kapit bahay noon ay isa nang sundalo?

Way back 2003-2005 that was a dooms day of my life, nangangarap lang ako noon na makakain ng fried chicken ng spaghetti makainom ng coke at royal dahil madalang sa isang taon kami makatikim ng ganun.

Swerte pa nga kung makakain kami ng masarap na pagkain sa isang araw, minsan hindi pa nga kami makakatikim ng lutong kanin.

Naalala ko nagnakaw pa kami ng nanay ko ng papaya sa likod ng kapitbahay namin tapos isasawsaw sa toyo na may sili at yun na ang hapunan naming mag iina. Dahil hirap sa buhay nag desisyon umalis ng bansa ang nanay namin.

At mula nun umuwi lang siya ng isang beses at hindi na niya kame binalikan hanggang ngayon.

Kung kanikanong kamag anak kami iniwan para lang mabuhay.

Gabi gabi ko pinag darasal na sana balang araw maka ahon kami.

At lahat ng gutom na naranasan ko ayaw ko makita na pag daanan pa ng mga mahalaga sakin.

Nag sikap ako mag aral sa tulong narin ng tatay namin na kahit kailan hindi kami pinabayaan.

Pinilit ko makakuha lang ng 72 units.

At pumasok ako sa pag susundalo.

Tiniis ko ang hirap sa training, kasi ang nasa isip ko pag ako makasurvive tutulong talaga ako sa lahat ng mga nagugutom lalo na sa mga bata.

Ewan ko ba malapit talaga ako sa kanila, siguro dahil ganung edad ako nung nakaranas ng gutom at hirap.

Kaya nung naging sundalo na ako, pinilit ko pagkasyahin ang sahod ko.

Nag iipon challenge ako para pag dating na sapat na ang pondo ko nag papa feeding ako.

Ang saya sa pakiramdam kami, lalo na kapag makita ko ang mga ngiti ng mga bata habang kumakain.

Yung pakiramdam na pagkatapos na pagktapos ng feeding pagod na pagod ako pero hindi ko ramdam ang pagod sa sobrang gaan ng pakiramdam ko, lumulutang sa tuwa ang pakiramdam ko, ang sarap ng tulog ko sa gabi at higit sa lahat lumalakas ang loob ko.

Ganun pala talaga ka fulfilling sa pakiramdam ang makatulong.

Long after that kami, binigyan ako ni LORD ng gift of speech at confidence, nung una hindi ko pa ito nadiskubre di kalaunan nagsimula na ako sa blogging industry.

Hindi ko alam dati na sumasahod pala ang isang blogger.

Nitong year lang sumahod ako ky google adsense at ang unang sahod ko nagpakain at namigay po ako ng mga toys sa mga bata.

Dun ko naisip na yung mga naranasan ko palang gutom at hirap ng buhay ay siya palang instrumento ni Lord para ngayon sa kasalukuyan ay maging Charity enthusiast ako.

Yun pala ang naging daan para ako ang mangunguna sa pag papafeeding sa mga bata ngayon.

Kahit ganun paman ang nangyari sa past ko thankful ako kasi naranasan ko ang hirap nayun.

Ngayon kapag naaalala ko ang nakaraan ko, lalo akong naiinspire na magpatuloy hindi lang para sa family ko kundi para narin sa mga batang tulad ko noon na nagugutom at ngayon kailangan ang tulong ko.

Sa lahat ng makakabasa nito wag pnw kayong sumuko sa pangarap ninyo, may kanya kanya tayong panahon na maabot ang mga pangarap natin.

Hindi man ngayon baka bukas o makalawa.

Ang mahalaga magsikap, wag sukuan ang pangarap at higit sa lahat ipagdasal sa taas ang lahat ng inyong paghihirap, ika nga nila “nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa”

Lubos na nag mamahal

Perlas”

Source: Kami.