Isang trending video ang spotted na naglalaman ng top 10 sa pinakamayamang artista ng 2018 hanggang ngayong 2019 daw.

Ating silipin ang top 3 umano sa 10 richest na famous Filipino celebrities sa showbiz industry.

1. Manny Pacquiao

Si Manny Pacquiao ay ang itinanghal umano na pinakamayamang artista ng 2018-2019.

Bukod sa pagiging boksingero at negosyante ay kilala rin si Pacman bilang isang artista at mang-aawit na kilala na rin ngayon bilang isang senador.

Ayon pa raw sa Forbe’s, ang isang pay-per-view daw na kinikita ni Manny Pacquiao sa kanyang mga laban sa boksing ay 19 million dollars.

At sa ngayon daw, ang total na halaga ng yaman umano ni Pacquiao ay umaabot daw sa 9 Billion pesos.

2. Sharon Cuneta

Si Megastar Sharon Cuneta naman daw ay ang top 2 sa listahan ng pinakamayamang artista sa showbiz, ayon pa sa trending na video na aming naispatan sa YouTube.

Sa dami raw na mga box-office movies at mga sumikat at tumatak na mga kanta ni Mega bukod pa sa mga TV shows at endorsements ay umaabot daw ng isang bilyong peso.

Ito naman daw ay bukod pa sa namana ni Sharon mula sa kanyang mga magulang.

3. Willie Revillame

Ang Wowowin host na si Willie Revillame naman ang ikatlong pinakamayamang artista raw sa showbiz.

600 Milyon naman daw ang halagang naitala na yaman ni Kuya Wil.

Silipin dn ang trending episode ng Wowowin dahil sa batang JaPinoy contestant na nagmula pa sa Bohol.

Watch video:

Source: Kami