-Isang milyonaryo ang naghahanap ng assistant na makakasama niyang mag-travel around the world

-Bukod sa kapana-panabik na trabaho, nag-alok rin ito ng $50,000 na sahod para sa maswerteng empleyado

-Lahat ng gastos ng ma-ha-hire nito ay sagot ng kompanya

Tila isang plot sa mga pelikula ang kwento ng isang milyonaryo na naghahanap ng magiging assistant niya at makakasamang maglakbay sa buong mundo.

Ang gwapong milyonaryo na si Matthew Lepre, 26 taong gulang ay pumupunta sa iba’t-ibang panig ng mundo upang magbigay ng payo sa paglago ng mga online business.

Sa pamamagitan ng isang Youtube video, ini-anunsyo ni Lepre ang kanyang alok na trabaho.

Ayon sa ulat ng Daily mail, tumataginting na $50,000 ang alok na annual base salary ng milyonaryo para sa maswerteng mapipili.

Pero tulad ng ibang employer, sinabi rin nitong kinakailangang mahusay mag-multi-task, mag-ayos ng travel itineraries, mayroong sapat na kaalaman sa social media channels at siyempre may passport na valid kahit sa loob man lang ng 12 na buwan.

Watch video:

Source: Kami.