– Isa si Juan Karlos Labajo sa mga piling mang-aawit na nagpasaya ng Rakrakan 2019

– May isang fan na tila kinukulit si JK sa pamamagitan ng pagsigaw ng “I love you, Darren”

– Dahil paulit-ulit, nagmura si JK at nag-dirty finger dahil sa pagkapikon nito

Talaga ngang pinagkaguluhan si Juan Karlos Labajo sa Rakrakan 2019 na ginanap sa Circuit Makati.

Nalaman na may isang fan dun sa crowd na parang inaasar talaga si JK.

May isa dun na paulit-ulit na sumisigaw ng “I love you, Darren!”

Sa inupload na video ng Tipa at Kanta sa YouTube, makikitang ini-introduce ni JK ang mga miyembo ng Juan Karlos.

Pero sobrang sigaw kasi ng isang fan at rinig na rinig ang “I love you, Darren” habang nagsasalita sa entablado si JK.

Dito na napamura at napa-dirty finger si JK.

Sinabi din niya na ayaw niyang marinig ang pangalan na iyon kasi nakaka-buwisit daw.

Pero inacknowledge naman ni JK yung mga mababait na mga faneys. Malamang sobrang nabastos siya kung kaya’t napamura.

Si JK Labajo ay isang sikat na batang singer sa kapanahunan ngayon.

Siya ang sikat na mang-aawit sa likod ng hit single na “Buwan.”

Nagkaroon siya ng kontrobersiya with Darren Espanto.

Watch video:

Source: Kami.