-Inilabas na ng mga awtoridad ang larawan ng ρɾimɑɾყ ꜱυꜱρect sa brutal na ρɑgρɑtɑყ kay Christine Lee Silawan

-Kinilala itong si Jonas Bueno

-Umabot na sa P2 milyon ang reward money sa sinumang makakakapagturo kung nasaan ang mga ꜱυꜱρek

Inilabas na ang larawan ng ρɾimɑɾყ ꜱυꜱρect sa brutal na ρɑgρɑtɑყ kay Christine Lee Silawan, ang 16-anyos na dalagang pinatay at binalatan pa ang mukha!

Kinilala ang ꜱυꜱρek na si Jonas Bueno ayon sa ulat ng Philippine Star.

Ayon sa mga naunang ulat, hindi ito nakatira sa Lapu-lapu City at kasalukuyang nasa Cebu pa, batay sa imbestigasyon ng mga pulis.

Sinabi rin sa isang report ng Sun Star Cebu na nakita ang itinuturong ρɾimɑɾყ ꜱυꜱρect na pinasakay pa nito sa isang motorsiklo ang dalaga na nakita sa isang CCTV bago ang krimen.

Lumalabas rin sa imbestigasyon ng mga pulis na nakakapalitan ng dalaga ng mensahe ang suspek ngunit hindi sigurado kung mayroon silang relasyon.

Tiwala ang mga pulis na tamang salarin ang kanilang hina-hunting dahil na rin sa mga malalakas na ebidensiyang nakalap nila.

Sabi pa ng mga ito, mas magiging mdali na para sa kanila na mahuli ang dalawa pa kapag naaresto na ang pangunahing suspek na si Bueno!

Samantala, umabot na sa P2 milyon ang reward money para sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek.

Sa isang ulat ng KAMI, isang witness ang lumutang at sinabing tatlong lalaki ang nakitang humahabol sa dalaga.

Umaasa ang mga pulis na maresolba ang kaso ngayong linggo.

Source: Kami