Tunay ngang hindi maipagkakailang isa si Dina Bonnevie sa mga aktres na nagtataglay ng pinakamagagandang mukha sa industriya ng show business lalo na nang kaniyang kadalagahan.

Kamakailan lamang ay mayroong nagbahagi ng lumang larawan ng batikang aktres. Siya ay nagngangalang Ssenh Paschua. Ayon sa caption na kaniyang ibinahagi sa social media ay hindi talaga nakakasawang tingnan ang kaniyang kagandahan kahit ito pa ay kinunan noong 80’s.

Marami din naman ang pumuri at namangha sa larawang ito ng mahusay at beteranang aktres. Sa ngayon ay mayroon na itong 7.9 libong reaksyon, 279 shares, at daan-daang komento mula sa publiko.

Si Dina Bonnevie ay kilala rin bilang si Geraldyn Bonnevie-Savellano. Una siyang nadiskubre ng siya ay manalo bilang First Runner-Up ng Miss Magnolia 1979. Nang parehong taon ay nabigyan siya ng pagkakataon na sumabak sa kauna-unahan niyang pag-arte sa “Temptation Island”. Nang sumunod na taon naman ay ni-launch siya ng Regal Films at naging bida sa pelikulang “Katorse” kasama ang batang Gabby Concepcion.

Ang 58-taong gulang na aktres ay gumanap din bilang si Corazon sa Tinik sa Dibdib, Christine sa Magdusa Ka!, at Rachel Suarez sa Gumapang Ka Sa Lusak. Dahil na rin sa kaniyang husay sa pag-arte at sa mga pelikulang ito ay nanalo siya ng 1987 FAP Award for Best Actress at ang 1987 FAMAS Award for Best Actress.

Bagamat ang panglabas nating anyo o kagandahan ay kumukupas din makalipas ang maraming taon, hindi pa rin mawawala ang bakas ng kagandahang ito lalo na kung ang panglabas na ganda ay mayroon ding karagdagan na mabuting kalooban. Hindi man matandaan ng maraming mga tao ang gandang panglabas ay talaga namang titimo at tatatak sa kanilang puso at isipan ang totoo at magandang ugali na naipamalas o naibahagi mo sa kanila.

Source: Juantambayan