– Nag-viral ang larawana ng isang lolo na nagtitinda ng saging sa bangketa

– Makikitang nakatulog na ito marahil sa sobrang pagod sa pagtitinda

– Umani ng iba’t ibang reaksyon ang larawan na ito ng matanda habang ang ilan ay nais pang magpaabot ng tulong sa matanda

Viral ngayon ang larawan ng isang matandang lalaki na nagtitinda umano ng saging sa bangketa.

Sa post na binahagi ng netizen na si Jeff Garcia, makikita ang lolo na tila napagod na sa pagtitinda at nakatulog na sa kanyang pwesto.

May caption na “Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. Ginawa pang rason ang kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwag lang mamalimos.God bless you tatay,” ang naturang post.

Totoo nga naman sapagkat isa si lolo sa mga taong nagsusumikap pa rin na maghanapbuhay upang di maging pabigat sa kanyang pamilya.

Dahil sa angking kasipagan ni lolo, umani ito ng papuri habang ang ilan ay nais pang magpabatid ng tulong para sa kanya.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Kapag nakakita kayo ng mga ganitong nagtitinda, pakiusap ‘wag ninyong baratin o tawaran. Hindi sila mga kapitalistang ganid sa pera ninyo. ‘Yung konting tubo nila ay sasapat lang para pang suporta sa pang araw-araw nilang gastusin at pang puhunan para makatinda ulit sila kinabukasan.”

“God bless u tatay Ito yung dapat bigyan nang tulong Hindi yung nanlilimos..”

“Kung mayaman Lang ako una ko tutulungan mga matatanda! Dahil simula bata pa ako yun ang pinapangarap ko tumulong sa kapwa tao! Hindi yung mayaman ka na nga sobrang damot pa.”

“para sa mga walang trabaho tamad ayaw magbanat ng mga buto!ayan o!tignan nyo c tatay!galing!madiskarte!nag iisip paano kumita ng pera sa maayos pamamaraan..hanga bilib po ako sa inyo..”

“Saang lugar po yan i want to help tatay di nman kelangan maging mayaman para makatulong. Kahit sa mliit na tulong lang.”

“Saludo aq kay ttay..sa edad nyang yan dpat sna ay nagrrelax nlang cia sa ibang bagay hindi ung gnito,khit tbing kalsda sno ung nio para lng sa pngangailangan nia..ingat po kau ttay God Bless”

Sa ngayon, umabot na sa 41,000 na reaksyon, 4,500 na komento at 68,000 shares ang naturang post.

Watch video:

Source: Kami