– Viral ngayon ang post tungkol sa isang matandang lalaki na kinulang ng pamasahe sa bus pauwi ng kanilang probinsya

– Isang konduktor ang naawa sa lolo at nang nakinig din ito ng traffic enforcer, nagbigay din ito ng dagdag pamasahe sa matanda

– Umani ng papuri mula sa mga netizens ang ginawa na ito ng konduktor at ng traffic enforcer

Usap-usapan ngayon ang larawan ng matandang lalaki na kinulang umano sa pamasahe pauwi ng kanilang probinsya.

Ayon sa post ng Hanep TV, sinubukang makiusap ng lolo sa ilang mga bus ngunit wala agad pumayag na pasakayin siya kahit di sapat ang dala niyang pera.

Hanggang sa isang konduktor ang naawa sa kanya at pinayagan na siyang makasakay.

Narinig pala ito ng isang MMDA traffic enforcer at nagbigay pa ng dagdag pera para may pocket money pa ang matanda.

Dahil dito, umani ng papuri ang ginawang kabutihan na ito ng konduktor at traffic enforcer nalabis na ikinatuwa ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Faith in Humanity, God bless mga sir, aapaw po ang blessings na matatanggap ninyo”

“Good job sa inyong dalawa dahil sa inyong kabutihan patuloy kayong pagpapalain at bibiyayaan ng liglig siksik at umaapaw. Bayani kayo para sa akin.”

“God Bless u and Keep up the good work. Saludo ako sau kua.Masarap ang feelings ng nakaka- tulong tau sa kapwa natin di ba!!!”

“Di man kayo magantihan nyang matanda.. Diyos na bahala sa inyo at sa pamilya ninyo”

“kala ko kung anu na naman ginawa ni Manong Enforcer, buti binasa ko buong caption.. Sa panahon pa naman ngayon, bilang na lang talaga ang may mabubuting puso…Salamat po Manong Enforcer, and Kuya Kundoktor… God bless the two of you! Ingat sa byahe, Lolo!”

Umabot na sa 225,000 reactions, 23,000 na komento at 62,000 shares ang naturang post.

Source: Kami.