– Umani ng u=iba’t-ibang reaksiyon ang litrato ng baby na nakalagay sa loob ng batya

– Makikitang nakahiga ito malapit sa kanyang inang naglalaba

– Marami ang naantig at nagpahayag ng pagnanais na makatulong sa mag-ina dahil sa post na nag viral

Isang post na nagpapakita ng pagiging mapamaraan at mapag-alagang ina ang umantig sa puso ng maraming netizens. Ibinahagi ng Facebook user na si Dexter Cainap ang litrato ng mag-ina.

Makikitang naglalaba ang ina habang nababantayan nito ang kanyang anak na nakalagay sa loob ng batya. Ayon pa kay Dexter, palagi niyang nakikita ang ganitong sitwasyon ng mag-ina na nangungupahan diumano sa kanila.

Marami naman ang nagpahayag ng paghanga sa ina ng bata. Puna ng ibang netizens mas maigi daw iyon kaysa iwanan ang bata. Dahil naman sa post na ito ay may nagmagandang loob na tulungan ang mag-ina.

May nag-alok na mabigyan ng crib ang baby para mas komportable ito.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens.

na ngungupahan yan samin ee haha lagi nkalagay yan sa batcha kapag nag huhugas ng plato nanay nya oh kaya naglalaba

At least nkikita at nbabantayan magandang paraan kesa iwan di nkkita

Mas okay nman yan atlis nbabantayan…

Sa totoo yan ang magaling at mapamaraan na ina!

kahangahanga at magaling na mommy yan!

Maraming salamat po sainyo , sa simpleng post lang naka relate kay0 tlaga sa post ko , #momiesBestMove

Tama lng Ang post mo dexter kung pwede nga lng db may troly pa kau dyan bigay nyo na.naiyak ako ng mkita ko Ang bata sa loob ng batya

sa mga nagbigay po ng tulong sa mag ina nagpapasalamat po ako sainyo .

thankyou daw sainyong lahat

Maraming salamat po sa mga nagbigay para kay baby sobrang thankful po ako sa inyong lahat lalo na sa nagpost hehe thanks po ulit . -mommy ni baby sa batcha here

Dapat may troly para pag naglaba cia doon lagay Ang bby

thankyou sa mga nagbigay ng mga gamit. love you mga momies .

Dahil marami ang naantig sa kuwento ng mag-ina, may mga nag nagbigay ng gamit para sa baby. Lubos naman ang pasasalamat ng ina lalo na sa taong naging daan upang mabigyan sila ng biyaya.

Nawa ay mas marami pang biyaya ang matanggap ng mag-ina nang hindi na sila masyadong mahirapan. Mabuhay ang mga dakilang ina na handang gawin ang lahat maitaguyod lang ang mga anak.

Source: Kami