– Lumabas na ang katuloy ng viral na kuwento ng isang OFW sa Saudi na inatrasan sa kasal ng girlfriend niya

– Sa wakas ay nagharap na si kuya at si ate at nagkalabasan na ng mga saloobin

– Umani ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens

Lumabas na ang Part 2 ng kuwento ng OFW sa Dammam, Saudi na si Vengel Serrano at ang dati niyang girlfriend na si Richelle Baldoza.

Matatandaang nai-report ang Part 1 ng reklamo kay Richelle kung saan umatras daw ito sa kasal nila ni Vengel noong pauwi na siya ng Pinas.

Reklamo rin ni kuyang ofw na nagpadala siya ng higit PHP70,000 para sa pinundar niyang mga baboy pero hindi naman maibalik ni ate ang pera niya.

Nalaman ng KAMI na nagharap na sila sa wakas sa studio ng ‘Raffy Tulfo in Action.’

Sa unang pagkakataon ay nagkita na sa personal ang dalawa na nagkakilala lang sa Facebook.

Depensa ni Richelle, hindi raw totoong PHP70,000 ang pinadala ni Vengel para sa mga baboy dahil ang iba raw doon sa pera ay kusa niyang binigay kay ate.

Labis naman itong ikinainis ni Vengel at sinabi na ini-scam daw siya ng buong pamilya ni ate.

Aminado naman si ate na siya ang nagyaya kay Vengel para bumili ng mga baboy.

Para sa maraming netizens, manloloko raw talaga si ate girl at pinerahan lang daw si kuya.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa social media.

“Richelle you are a certified scammer. Come on! You are after money.”

“Biik 2500 bili ko,in two months bininta ng nag alaga bawat baboy buminta ng 7thou. Kaya impossible malugi…kung magmura ang kilo ng baboy,mura din ang biik.”

“Simple lng sagot dyan, si ate umubos nung baboy kita naman na mukhang napadami ng kain sa baboy hahaha.”

“The bottom line,niluko nya ung guy at pinirahan,ang lesson wag maniwala sa mga online scammer…”

“wag ka kaseng magpapadala sa filters..hahaha… baka oppo phone gamit nyan, ganda sa picture..”

“grabe pgkain lng ng baboy 5 buwan umabot na 70 thousand nsa mang inasal at Jollibee kumakain yn baboy”

Sa nakaraang report ng KAMI, isang mag-asawa ang nakagat ng isang uri ng insektong nakamamatay na madalas daw nakikita sa ating bansa. Ito raw ay delikado kung hindi maagapan agad.

Watch video:

Source: Kami