– Natuwa ang mga bisita ng isang kasal na nag-sedding reception sa karinderya

– Praktikal daw ang naisip na ito ng mag-asawa at solb naman ang mga bisita sa pakain

– Napag-alamang mga magulang pala ng bagong kasal ang may-ari ng karinderya kaya naman natulungan pa nila ang mga ito

Marami ang natuwa sa kakaibang wedding reception na ito ng bagong kasal na sina Ricson at Catherine Saad kung saan sa karinderya sa Davao city nila ito ginanap.

Ayon sa GMA news, mula sa simbahan, diretso sa isang karinderya sa tabi ng kalsada ang mga bisita ng bagong kasal kung saan idinaos ang salo-salo.

Makikita namang solb ang mga bisita sa mga masasarap na handa nina Ricson at Catherine.

Praktikal at di man kamahalan ang pakain nila sa mga bisita, natuwa naman ang mga ito sa pinagsaluhan nila.

Nakatulong din umano ang bagong kasal sa kanilang mga magulang na siya palang may-ari ng karinderya.

Malaki rin talaga ang mag-asawa na sinabing di naman na mahalaga kung mahal ang wedding reception nila dahil ang mas importante ay nag-isang dibdib na sila.

Watch video:

Source: Kami.