-Matagal nang ‘di nakita ng nanay na si Jenny ang kanyang anak na ipinagdamot daw ng nanay ng kanyang live-in partner

-Kaya naman humingi na siya ng tulong kay Raffy Tulfo upang makuha mula rito ang 1-anyos na anak

-Giit naman ng nanay ng kanyang kinakasama, hinihintay lang niya ang “go signal” ng kanyang anak bago ibigay kay Jenny ang bata

Wala nang nagawa pa ang nanay na si Jenny Olarve kung hindi ang idulog sa programang Aksyon ang kanyang problema sa nanay ng kanyang kinakasama.

Reklamo ni Jenny, ayaw ibigay ni Teresita Tabisola ang kanyang anak sa kanya.

Nagkaroon daw kasi ang mga ito ng usapan na sa poder muna ni Teresita mananatili ang bata hanggang sa makahanap siya ng trabaho.

Ito raw kasi ang gusto ng kanyang live-in partner na si Charlie na isang seaman.

Ngunit bilang isang ina, nangulila at ninais na rin ni Jenny na makasama ang nawalay na anak.

Ngunit hindi ito pinayagan ni Teresita. Nang makausap naman ito ni Raffy Tulfo, iginiit nito na hinihintay lamang niya ang “go signal” ni Charlie bago niya ibigay kay Jenny ang bata.

Hindi rin daw niya ipinagdadamot ang kanyang apo sa nanay nito lalo pa at alam niya ang batas dahil ito ay nagta-trabaho sa DSWD.

Sagot naman ni Tulfo, hindi na kailangan pa ang go signal ng ama ng bata lalo pa at hindi naman ito kasal kay Jenny.

Kaya naman mananatiling si Jenny ang may karapatan sa kanilang anak.

Sa huli ay wala nang nagawa pa si Teresita. Sa tulong ng team ng programa ay nakuha na ni Jenny ang anak sa poder ng biyenan.

Watch video:

Source: Kami.