– Nag-viral ngayon ang pag-amin umano nina Vice Ganda at Ion Perez sa GGV taping

– Kumakalat sa mga social media platforms ang mga kuhang larawan sa nasabing tagpo

– All out naman ang suporta ng mga faney ni meme Vice dahil sa kilig

Hot topic ngayon ang kumakalat na mga kuhang larawan ng “aminan” portion daw nina Vice Ganda at Ion Perez sa taping kahapon, March 12, 2019, ng Gandang Gabi Vice (GGV) at naispatan ng KAMI ang buhos ng samu’t saring reaksyon at komento dito.

Hindi nga magkamayaw sa kilig ang mga fans nina It’s Showtime meme Vice Ganda at kuya escort Ion Perez dahil sa trending na pag-amin daw nila sa kanilang relasyon.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento na aming naispatan.

“We are happy for you meme Vice. Dami mong napatawang tao. This time ikaw naman. Support lang po kami.”

“Kinilig ako sa inyo Vice Ganda at Ion Perez!”

“Inggit ako…Winner ka talaga Vice!”

“I knew it. I’m so happy sayo meme Vice Ganda.”

“I am super happy for Vice Ganda he deserves all the happiness naman in life. Napakadaming tao ang natutulungan ni Vice napakadami nyang napapasaya. Deserve niya rin naman niya ang kaligayahan. (Yolo) Di porket bakla dina pwedeng jumowa. Mygad ppl pantay pantay lang tayo lahat.”

“Wala na ba sila nung basketball player?”

Una naming ibinahagi ang pag-amin daw nina Vice Ganda at Ion Perez sa kanilang relasyon sa GGV taping.

Si Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez ay magkasama sa noontime show ng Kapamilya network, ang It’s Showtime.

Bukod sa It’s Showtime, host din si Vice sa GGV at isa sa mga hurado sa Idol Philippines.

Watch video:

Source: Kami