– Bumuhos ang luha ng maraming netizens na nakapanood sa teaser ng ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

– Ibinahagi na ng Kapamilya network ang full trailer sa kanilang bagong teleserye

– At hindi magkamayaw ang sobrang affected at na-touch na mga netizens

Sa sobrang ganda at makakabagbag damdamin ng kuwento ng bagong Kapamilya teleserye na pinamagatang ‘Nang Ngumiti ang Langit,’ naispatan ng KAMI ang mga affected na netizens na napaiyak dahil sa ramdam nila ang sakit.

Napaiyak pa ang iba dahil sa grabe ang hugot sa damdamin ng nasabing Kapamilya serye.

“Ano ba yan trailer pa lang naiyak na ako”

“This should be on primetime ”

“Pinaiyak nanaman ako ng ABS”

“Namiss ko ang mga ganitong palabas ng ABS CBN!”

“Mukhang ang Ganda ng Kwento ah!”

“Ang ganda naman ng istorya!”

“Sumakit ang puso ko dito trailer palang .”

“It’s just the teaser and I’m already tearing up.”

“Trailer pa lang nakaka iyak na…”

“Trailer palang kaiyak na ”

“Ang galing ng bata.”

“Patulog nako’t lahat ng nakita ko tong trailer nato, ayan tuloy…(crying)”

“Nakakaiyak at maganda ang story.”

Ang ‘Nang Ngumiti Ang Langit’ ay pinagbibidahan ng child actress na si Sophie Reola.

Kasama rin ang iba pang mga batikang mga aktres at aktor gaya nina Pilar Pilapil, Dante Rivero, Ces Quesada at Matet de Leon.

Si Kaye Abad ang gaganap na nanay ng bidang karakter at RK Bagatsing naman ang gaganap na tatay.

Mukhang balik kontrabida ang beauty ni Cristine Reyes at kasama rin si Enzo Pineda, at marami pang iba.

Watch video:

Source: Kami