-Sinauli ng isang holdaper ang kukunin niya sanang pera sa kanyang biktima

– Nilapitan niya ang kanyang biktima habang ito ay nasa ATM pa, at pinilit na buksan muli ang account nito

– Ngumiti at umalis na lamang ang holdaper nang makita nito ang laman ng account ng babaeng kanya sanang pagnanakawan

Kakaibang ‘holdapan’ ang naganap sa Guangdong city of Heyuan, China noong February 16, kung saan nagawang isauli pa ng holdapaer ang perang kukunin sana niya sa kanyang biktima.

Ayon sa Inquirer.net, nakita sa isang video na nagwithdraw ang babae ng halagang 2,500 Yuan o nasa 19,000 PHP.

Biglang sumulpot ang holdaper na may hawak na patalim at pinilit nitong tingnan ng babae ang kanyang balanse sa account.

Nang makitang wala nang laman ang kanyang account, ibinalik na lamang ng holdaper ang pera sa babae. Nagawa pa nitong ngumiti bago umalis.

Nakita pa sa ibang kuha ng CCTV na kaswal lamang itong naglakad papalayo sa ATM habang hawak ang kanyang cellphone.

Dahil dito natulala ang babae na tila di makapaniwala sa nangyari. Handa raw kasi ang biktima na ibigay na lamang daw ang lahat ng kanyang pera huwag lamang daw siyang saktan nito.

Nahuli pa rin ang lalaki at nasa kustodiya ng pulisya sa kabila ng mga papuring natanggap nito sa mga netizens. Tinagurian nila itong “world’s kindest crook.”

Watch video:

Source: Kami