-Idinulog na ng isang ginang ang kanyang problema sa asawang OFW na bigla na lang tinabangan sa kanya dahil raw sa pamilya nito

-Sabi pa nito, inutusan pa raw ng pamilya ni lalaki na hiwalayan na lamang siya

-Pati ang sustento sa kanilang mag-ina nagkulang na rin

Wala nang nagawa pa ang ginang na si Jackielyn Cabuyadao kung hindi ang dumulog sa programang Aksyon sa Tanghali kaugnay sa problema niya sa asawang si Don Darwin.

Sabi ni Jackielyn, pinakikialaman silang mag-asawa ng pamilya nito.

Inutusan pa raw ng mga ito na siya ay hiwalayan na lamang upang wala nang maging habol si Jackielyn kay Don Darwin.

Giit pa ng ginang, siya at ang kanyang kaanak sa Israel ang tumulong sa asawa para makapag-trabaho roon.

Siya rin umano ang katuwang ng asawa sa mga ginastos nito para makaalis papuntang Israel.

Maging ang sustento sa anak nila ay naapektuhan na rin dahil bigla na lamang nakipag-hiwalay si Don Darwin sa kanya.

Aniya, dahil sa pangbubuyo ng pamilya nito kung kaya tuluyan na siyang iniwan ng asawa.

Ito ay sa kabila ng pagpayag niyang tumulong ang asawa sa pamilya nito kahit pa nga may sarili na rin itong pamilya.

Pinag-aral at binigyan na rin daw ng motor ang kapatid nito habang ang magulang naman nito ay may buwanang allowance din mula sa asawa.

Nang makausap naman ng host ng programa na si Raffy Tulfo ang OFW, hindi na nito itinanggi pa na gusto na niyang makipaghiwalay kay Jackielyn.

Ngunit mariing iginiit ni Tulfo ang responsibilidad nito sa anak na sinag-ayunan naman ni Don Darwin.

Ganunpaman, pinagsabihan pa rin ni Tulfo ang lalaki kaugnay sa responsibilidad nito bilang asawa at ama.

Sa huli, nagkasundo na lamang ang dalawang kampo na hatiin ang sahod ni Don Darwin.

Magbibigay ito buwan-buwan ng P35,000 para sa anak nitong si DJ. Ang P25,000 mapupunta sa savings nito habang ang natitira ay sa mga gastusin nito.

Tuluyan na ring naghiwalay ang mag-asawa ayon sa programa.

Watch video:

Source: Kami.