– Humingi ng tawad ang kabit na nangutya kay misis na di raw kaya ng huli ang mga posisyon na kaya nya

– Inihingi ng kabit ng second chance si kuya kay misis at kahit na iwan daw siya ay mabubuhay naman niya ang anak nila

– Gustong umuwi ni ate sa Tarlac kasama si kuya pero ang huli ay mas nais na manatili sa Maynila

Dumulog si Mina Joy Jacinto, 35, sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang mister na si Josefino Jacinto, 37, dahil sa pagkakaroon ng kabit.

Sa isang ulat ng KAMI, nailathala na ang kabit ni mister ay si Queen Sara Rotoni, 21, at nagkaroon sila ng anak.

Nais na ni misis na ipakulong si Kuya pero nang sila’y magkaharap, nakausap si Queen kay Mina Joy na patawarin na raw si Josefino at bigyan ng second chance. Pati siya ay patawarin na rin daw ni Mina Joy.

Sabi ni Mina, mapapatawad lamang niya ang asawa kung uuwi na ito at sasama sa kanya sa Tarlac.

Sumang-ayon naman si Josefino kay Mina at nag-usap sila tungkol dito.

Natuwa rin si Idol Raffy at napagbati niya ang dalawa. Kaya lang, nung kalaunan, nalaman nilang di pala tinupad ni Josefino ang pinag-usapan sa harap ni Idol.

Kaya napuwersahan si Mina na harapin ang asawa sa barangay at ituloy ang pagsampa ng kaso.

Maraming netizens ang sumang-ayon sa desisyon ni ate na sampahan ng kaso ang mister.

Don’t give in ate. Push mo Yan pakulong. Justice must be served!!!!

Kabit klang day..in ana jud ang mnga kabit kung mo paingun na sa kama kabalo na sila lihuk kung na katri hheheh .kadiri ka kabit.

Courageous wife! The emotional and psychological abuse that ur husband and his kabit has done to you is non negotiable so fight til the end.

SA ngayon mas matapang pa ang kabit Kay SA tunay na asawa, Kaya like nyo Kung single kayo!! I’m happy to be a single forever!!!

Kawawa si ate niloloko ng mister,ate sumbong mo sa kapatid mo nga lalaki ipabugbug mo na malumpo yan,,

Watch video:

Source: Kami