-Agad nag-viral online ang isang video kung saan isang piloto ang nagbigay ng tribute para sa kanyang mga magulang

-Nangyari ang video sa eroplano kung saan ang lalaki mismo ang piloto

-Makikita naman kung gaano kasaya at ka-proud ang mga magulang nito

Laking gulat ng mag-asawang Paul at Solly Bernardo nang marinig ang boses ng kanilang anak na piloto na si Genesis Bernardo habang sila ay nasa eroplano papuntang Taiwan.

Noong una ay tila normal na nagpapaalala lamang ang piloto para sa mga pasahero, ngunit isa palang sorpresa ang inihanda nito.

Mas ikinagulat pa ng mag-asawang Bernardo nang magsimula nang magbigay ng mensahe para sa kanila ang anak.

Sa mensahe ni Genesis, nagpasalamat siya sa kanyang ina at ama sa mga nagawa ng mga ito upang makamit ang kanyang mga pangarap.

Ibinahagi rin niya ang kanyang tagumpay sa mga ito. Anito, natupad ang kanyang panagarap na maisakay bilang pasahero ang kanyang mga magulang sa eroplanong siya mismo ang magpapalipad.

Sa isang bahagi, makikita pa si Paul na mangiyak-ngiyak at tila pinipigilan lamang.

Hindi rin nakalimutan ng piloto ang kanyang kapatid na nagdiriwang ng kaarawan noong araw na iyon at siyang kumukuha ng video.

Maraming netizens ang na-touch sa ipinamalas na pagmamahal ng piloto sa kanyang mga magulang.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit dalawang milyon ang views ng viral video.

Watch video:

Source: Kami