– Nag-iwan ng $100 na tip o tinatayang nasa ₱5,200 ang di nagpakilalang pulis sa waitress ng kinainan niyang restaurant

– Naluha na lamang sa galak ang pitong buwang buntis na waitress sa di inaasahang biyaya

– Ang ama ng waitress ang siyang nagbahagi ng resibo kung saan makikitang nasa ₱500 lamang ang kinain ng pulis sa diner ngunit halos sampung beses pa ang laki ng tip sa halaga nito

Isang pulis ang di nagdalawang isip na tumulong sa isang waitress na buntis. Nasa $9 lamang naman ang kanyang kinain, ngunit ang tip niya sa pitong buwang buntis na waitress ay $100 o tinatayang nasa ₱5,200.

Ayon sa Inquirer, ang ama ng waitress ang siyang nagbahagi ng kwento ng anak na nakatanggap ng di inaasahang biyaya.

Nalaman ng KAMI na nag-post sa kanyang Facebook ang ama na si Brian Cadigan ng nakakatunaw ng puso na larawan ng resibo na may nakalagay na “Enjoy your first. You will never forget.”

Napalaking bagay na raw nito sa waitress na nakilalang si Courtney English.

Nagtatrabaho pa umano ang 23 anyos na waitress upang makalikom ng pera sa kanyang panganganak.

Kaya naman, malaking bagay na sa kanya ang tip na binigay ng pulis. Di mo mo raw kasi ito basta-basta kikitain sa isang araw.

Kwento naman ng ama ng waitress, likas na masayahin ito at maasikaso sa kanyang mga customer. Ngunit ang nakakatuwa pa rito, di raw regular na customer ang pulis ngunit nagpakita na ito ng pagmamalasakit sa buntis na waitress.

Naluha na lamang si Courtney nang matanggap ang di inaasahang biyaya ng pulis sa kanya. Bukod pa raw kasi sa halaga ng pera, nag-iwan pa ito ng magandang mensahe.

Dagdag pa ng ama ni Courtney, binahagi niya ito upang ipakita na may mga pulis pa rin na mabubuti ang puso.

Madalas daw kasi, napapabalita ang mga kapulisan sa kanilang nagawang katiwalian at bibihira ang mga binabalitang pulis ng dahil sa kanilang mabubuting puso. Isa raw itong ebidensya na mabubuting tao ang mga pulis.

Source: Kami.