– Binweltahan ni Sunshine Dizon ang basher niyang ‘pakialamera’

– May isang taong pilit na nangingialam sa kung anong setup meron sila ng asawang si Timothy Tan

– Nagbitiw ng maaanghang na salita ang aktres laban sa naturang basher

Hindi na nakapagpigil pa si Sunshine Dizon laban sa isang basher na pilit na “nangingialam” sa setup nilang mag-asawa.

Nalaman ng KAMI na nag-post si Sunshine ng comment sa IG at deretsang nagbigay ng mensahe sa isang netizen na si @newbeginnings938.

Sabi ni Sunshine wala raw pakialam si @newbeginnings938 sa buhay niya at sa setup nila ng asawang si Timothy Tan.

Wala rin daw silang alam sa buhay nilang mag-asawa.

Idiniin din ni Sunshine na ang tawag niya kay Timothy ay “asawa” dahil wala silang annulment, kaya “asawa” talaga.

Wala rin daw pakialam ang mga tao kung magtiis siya at pagtiisan niya ang kung anuman ang ginawa sa kanya dahil choice niya yung “kung gusto kong habang buhay maging kabit ang mga kabit.”

Pinayuhan na rin ni Sunshine ang nasabing basher na asikasuhin ang sariling buhay, at hindi yung kung saan-saan daw nakikisawsaw at nagmamagaling.

Sa huli sabi niya, tigilan na raw siyang atupagin ng basher at sa halip ay atupagin na wag silang lokohin ng mga asawa nila.

Si Sunshine Dizon ay isang Filipina actress. Asawa siya ni Timothy Tan at may mga anak na rin sila.

Naging kontrobersyal ang pagsasama nila pagkatapos malamang may naging ka-affair umano ang asawa.

Sa isang report ng KAMI, nag-react din si Sunshine pagkatapos siyang mainvolve sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang kasambahay.

Source: Kami