– Isang tatay ang umantig sa puso ng mga netizens dahil sa effort na ipinakita niya sa Mother’s Day

– Nakasalampak na siya sa jeep, bitbit ang isang bouquet ng bulaklak at may chickenjoy pa

– Umani si tatay ng paghanga sa mga netizens dahil sa ipinakitang pagmamahal para sa asawa

Hindi kailangan ng mga misis at mommies ang mamahaling regalo dahil ang simpleng effort ng mister at mga anak ay sapat na.

Nalaman ng KAMI na may isang tatay na talagang nag-todo effort para mapasaya lamang ang asawa.

Si tatay ay nakasalampak na sa jeep pero, hawak-hawak pa rin niya ang isang bouquet ng bulaklak at isang bucket ng chickenjoy.

Sinuong ni tatay ang panganib ng daan, madalhan lamang ang mahal na asawa ng bulaklak at pagkain.

Ang mga larawan ni tatay ay inupload ni FB user JL Balico Agonias at ito’y umani na ng sobrang daming likes at shares.

Talaga namang good example si tatay sa lahat ng mga mister sa Mother’s Day. Kaya napakaraming good comments ni tatay!

Sweeeeet, Nagsizzling spag naman tayo kanina eh jb na yun hahaha

Effort ni tatay. ☺

Sana all….mare Angelyn Salen Yatar nahawa na ako kay Sharmaine Palmero Salen

Swerte nmn ni misis

Okay lng khit walang kahit na ano…paramdam mo lng sakin na aq ang bida sa araw na ito…Sana… Hugot ata ang tawag dto…

Ner chikenjoy ang dala haha

buti pa si tatay

Source: Kami.