Kamakailan ay naging laman ng headlines ang isang hooded whistleblower na nagpakilala bilang si Bikoy. Ayon sa kanya, nasa kamay niya ang listahan ng “Ang Totoong Narcolist” kung saan idinadawit nya ang pamilya ng presidente Duterte tulad ng anak nitong si Paolo Duterte, ang current partner ni Duterte na si Honeylet Avancena, ang 15 anyos nitong anak, na si Kitty Duterte at ang presidential aide na si Bong Go.

Lumitaw Na

Matatandaang nitong nakaraang linggo ay inaresto ng kawani ng NBI ang lalaking may-ari ng website na naglabas ng mga video ni Bikoy. Hinuli si Rodel Jayme sa kanyang mismong bahay at sinabi nito na siya ay nautusan lamang ng isang LP supporter upang gumawa ng isang website.

Ngayong araw naman ay nagpakita na si Bikoy sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines dahil diumano ay may banta sa kanyang buhay at dala na rin ng tawag ng kanyang konsensya. Si Bikoy ay nagpakilala bilang Peter Joemel Advincula, na tubong Bicol.

Pahayag Ni Bikoy

Ayon sa sinumpaang salaysay at mga pahayag ni Advincula, siya ay nagtatrabaho sa isang networking company sa Bicol ng kunin siya ng kanyang boss bilang watch man ng sindikato. Hindi raw naglaon ay napunta sya sa Facilitating team kung saan sila ang naghahanda ng buwanang tara sa mga dru9 lords.

Dito raw niya ilang beses nakita si Paolo Duterte at Bong Go, na diumano ay member ng Hong Kong Triad. Ilang beses daw nilang iniscan ang code sa tattoo ni Bong Go at Paolo Duterte kung kaya’t alam niyang may mga tattoo ito ng dragon sa likod.

Nakonsensya Na Siya

Sabi ni Advincula, siya raw ay nagbagong buhay na at nakokonsensya sya na hanggang nasa kapangyarihan si pangulong Duterte ay hindi mawawala ang dr0ga sa bansa sapagkat mga kapamilya mismo nito at malalapit na kaibigan ang kasali sa sindikato. Isinama rin niya si Honeylet Avancena pati na ang 15 taong gulang na si Kitty sa kalakaran ng dr0ga sa bansa.

Ayon sa kanya, handa raw siyang dumalo sa anumang hearing na ipatutupad ng senado upang sagutin ang mga katanungan tungkol sa kanyang expose. Hiling niya na sana ay magising na ang sambayanan sa katotohanan sappagkat ito raw ang tunay na “War On Dru9s.”

Watch video:

Source: Updatedtayo