– Pinaiyak ni Vice Ganda ang madlang people sa mensahe niya tungkol sa mga ina

– Hindi nga napigilan ng tao ang mapaiyak dahil sa tagos sa puso na paalala ng Unkabogable Phenomenal Superstar sa lahat ng mga anak

– Kaya naman marami ang bumuhos ang luha at reaksyon sa naturang episode ng It’s Showtime

Bumuhos ang luha ng madlang pipol sa It’s Showtime dahil sa tagos sa puso na mensahe ni meme Vice Ganda sa mga anak tungkol sa mga ina at ito naispatan ng KAMI.

Ani pa ni Vice:

“Yung mga nanay, maraming pagkakataon na umiiyak yung mga nanay natin pero hindi nila sinasabi. Maraming pagkakataon na humagulgol yung mga nanay natin pero hindi natin alam. Maraming beses silang umiiyak pero hindi nila ipinapaalam sa atin.

Dugtong pa ng TV host:

“Una, umiiyak yung mga nanay natin pag-pakiramdam nila nababastos natin sila, pag-sinagot-sagot natin sila, pag-nagdadabog tayo, pag-nagtataas tayo ng boses sa kanila, umiiyak sila kasi feeling nila wala silang kwentang ina kaya ginaganun natin sila. Umiiyak sila pero hindi nila sinasabi sa atin.”

Patuloy pa na pagbahagi ni Vice:

“Umiiyak sila pag-may hinihingi tayo na hindi nila maibigay kasi nangliliit sila. Hiyang-hiya sila dahil gusto nilang ibigay pero hindi nila kaya at alam natin nagtatampo tayo. At pag-hindi nila maibagay yun umiiyak sila pero hindi nila sinasabi.

“Umiiyak yung mga nanay natin pag-nag-away-away tayong mag-kakapatid. Pag-yung aangtatanda na natin pero hindi tayo nagkakasundo-sundo. Gusto niyang mamagitan. Gusto niyang sabihin kung sino sa atin ang mali pero hindi niya magawa dahil kasi ayaw niyang magmukhang may pinapabaron. Umiiyak siya pero hindi niya sinasabi.

Pagtatapos pa niya:

“Umiiyak yung mga nanay natin dahil kahit umiiyak sila, wala tayong pake.”

Watch video:

Source: Kami.