– Viral ngayon ang video ng 19 na buwang sanggol na matatas nang magsalita at magaling nang bumasa

– Nakamamangha nakakapagbilang na rin ito ng hanggang 50

– Umabot na sa mahigit 23 million views ang nakakatuwang video na ito ng sanggol

Tuwang tuwa ang mga netizens sa nakakabilib na kakayanan ng 19 na buwang baby na nakakabasa na.

Sa viral video na binahagi ng NTD Television, makikitang ang baby na hawak hawak ang flashcards na may mga salita.

Isa isa na niya itong nababasa ng mabilis at di na halos nag-isip.

Nalaman ng KAMI mahigit 300 nang mga salita ang kayang basahin ng batang ito sa kanyang murang edad.

Kahit nabali-baliktad na ang flashcards, nagagawa niya itong itama ng pwesto at basahin muli.

Bukod pa rito, kaya na rin nitong magbilang ng hanggang 50.

Sadyang nakamamangha ang kaalaman na ito ng batang ito na di kadalasang nagagawa ng kanyang mga ka-edad.

Kaya naman kinagiliwan ito ng mga netizens at umabot na sa mahigit 23 million views ang naturang video.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Narito ang ilan sa kanilang mga komento at karamihan at pagkamangha sa kakayanan ng bata:

“That is awesome! Mom your doing a great job raising a future King.”

“Great.. baby.. super smart.. god bless them..”

“Wow beautiful GOD BLESS you both thanks for sharing. Yay”

“Super smart kid amazing”

“Omgooooodness. He’s beautiful and so smart. Good job mommie”

” I could hug him up. So smart and I can tell he is well loved!”

Watch video:

Source: Kami.