– Viral ang video ng isang batang babaeng biktima umano ng dengvaxia vaccine bago ito pumanaw

– Ayon sa bata, bukod sa siya mismo ay nahihirapan na, ramdam na rin niya ang hirap ng kanyang ina sa mga gastusin at pag-aalaga sa kanya sa ospital

– Pilit pa ring pinalalakas ng nagvi-video ang loob ng bata ngunit sinasabi pa rin nitong hirap na hirap na siya

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakakadurog ng pusong video ng batang biktima di umano ng dengvaxia.

Ayon sa Facebook page na United Dengvaxia victims, kuha umano ang video ilang oras bago pumanaw ang batang babae.

Nag-aalala ang bata dahil sa nakikita niyang nahihirapan na ang kanyang ina sa kanya.

“Pag napagod na sila, magpapahinga na ako…” pahayag ng batang babae.

Napapansin niya kasi ang hirap na ang ina sa pag-aalaga sa kanya pati na rin ang laki ng gastusin sa ospital para lamang daw siya ay gumaling.

Pilit na pinalalakas ng nagvi-video ang loob ng batang di nabanggit ang pangalan ngunit sinasabi nitong hirap na hirap na talaga siya.

Hindi na raw niya kaya pang labanan ang karamdaman at panay na ang sabi niyang “magpapahinga” na siya.

Paulit-ulit na niyang sinasabi na “hindi ko na ito kaya, magpapahinga na ako” hanggang sa mapapansing halos hinahabol na niya ang paghinga habang nagsasalita.

Bago matapos ang video, nasabi pa ng bata na “kukunin na rin niya ako, ni Lord” ngunit pilit pa ring pinalalakas ng mga kausap ang loob ng bata.

Nang araw ding iyon, binawian ng buhay ang batang babae.

Bumaha ng mga malulungkot na reaksyon ang mga komento sa video. Ang ilan ay galit pa raw ang naramdaman dahil sa kapabayaan di umano ng nakaraang administrasyon sa pagpapalaganap ng dengvaxia nang wala pang kasiguraduhan ng totoong epekto.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ang bigat sa dibdib naalla ko ang ank ko huling sinbi nia sa ppa nia pasensia na pa kapg dijo na kaya.. Sobrang skit tapos nun nawla na sia dahil sa severe dengue. Hirap sa magulang mawlan ng ank parang mabbliw ka lalo na sinsabi nia na sobrang sakit.”

“nakakalungkot naman…namatay pala sya tlga…sad..bkit nauso pa dengvacxia na yan..hayyy sayang ang buhay ng mga batang katulad nito”

“Dito tlga ako npapaluha mas iniisip nya pa yong gastusin ng mga magulang nya kang sa sarili nya. Na aawa daw sya sa mama nya kasi sa mga gastusin mas gusto nya pang mamatay nalang ramdam na ramdam ko ang pag hihirap mo. Alam kung masaya kna ngayon sa piling ni papa jesus RIP sayo…”

“Hustisya Para sa maraming namatay. Na mga Bata. Tulad nito! Hustisya! Noynoy anu masasabi mo dito.? Kakagigil amp”

“Kawawa naman mga hayup talaga mga pasimuno ng Dengvacxia Bitayin na poooo ninyo bitayin napooo maawa kayo maraming nag titiis”

“Napapatulala ako sa bata habang sinaabi nyang di nya na kaya pero gusto nya pang mabuhaysobrang sakit..ung iba mas pinipiling magpakamatay itong mga naturukan pilit lumlaban hayssss..sana nmn makulong ang mga dpat makulong bago turukan ng turukan din..”

Watch video:

Source: Kami.