-Patay dahil sa pagsabog sanhi ng gas leak ang isang 12-anyos na bata mula sa Dallas

-Nadiskubre ng kanyang mga magulang na na-i-record pala nito ang mga huling sandali

-Sa pag-alala sa kanyang pagkamatay, ibinahagi ng mga magulang nito ang naturang video ng anak

Isang taon na mula ng mamatay ang 12-anyos na si Linda “Michellita” Rogers mula sa Dallas.

Ayon sa ulat ng Fox 4 News, dahil sa gas leak na naging sanhi ng pagsabog ng kanilang bahay, binawian ng buhay si Michellita.

Nakaligtas naman ang mga magulang nito kasama ang kapatid at lola ng bata.

Nakuha ang katawan ni Michellita sa ilalim ng drawer at agad na isinugod sa ospital ngunit idineklarang patay na ito.

Ang kanyang mga huling sandali, na-i-record pa niya sa kanyang cellphone na nadiskubre ng kanyang mga magulang mula sa lugar ng pinangyarihan.

Sa pag-alala sa kanyang pagkamatay, ibinahagi ng mga Rogers ang naturang video ng anak ngunit ayon sa ulat ng Daily Mail ay hindi na sinabi pa ng mga ito ang dahilan kung bakit.

Ang masakit pa, na-i-report na pala sa kompanyang Atmos Energy, ang kompanyang nag-su-supply ng gas sa kanilang lugar, ang tungkol sa gas leak.

Sabi pa ng ina ni Michellita na si Maria, wala naman silang naamoy na amoy gas noong araw ng pagsabog.

Hanggang sa ngayon ay masakit pa rin ang pagkawala ni Michellita para sa mga magulang.

“I feel she is only sleeping. She looked beautiful.”

“Some days, I don’t feel the damage in my body. I feel the pain in my heart.” sabi pa ni Maria.

Pagkatapos ng insidente ng pagsabog ng bahay ng mga Rogers, ilan pang pagsabog dahil sa gas leak ang naganap sa lugar.

Watch video:

Source: Kami.