– Nag-viral nga ang video ni Manny Pacquiao na namamaypay ng barbecue

– Makikita na natatakpan na ng usok si Manny habang nagba-barbecue pero walang kyeme na nagpatuloy

– Lalo namang bumilib ang mga netizens dahil tunay nga naman daw na bilyonaryo na humble ang People’s Champ

Isang video na ibinahagi ni Manny Pacquiao sa kanyang Instagram page ang nag-viral at spotted ito ng KAMI.

Makikita sa naturang video ang pagpapaypay ni Pacman ng barbecue at habang ginagawa niya ito ay natatakpan na siya sa sobrang usok.

Sobra naman ang pagkabilib ng fans at netizens sa People’s Champ dahil napaka-humble pa rin daw nito sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito.

“Napaka down to earth niyo po Mr. Pacquiao. Kaya idol ka namin. God bless you po.”

“You are so humble, my idol.. Bilib talaga ako sa iyo.”

“Ang yaman-yaman pero nagba-barbecue! ”

“A lot of really rich famous people would have gotten someone to do that but Manny as always keeps it old school and does it himself.”

“Kakabilib naman itong bilyonaryong ito!”

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko.

Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya’y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya’y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya’t naging magaling siya dito at ngayo’y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo.

Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan.

Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Watch video:

Source: Kami