-Nagkaroon ng tawanan sa studio ng Wowowin matapos na magkamali ang nobyo ng isang contestant sa pangalang itinawag dito

-Imbes kasi na Cris ay Michelle ang naitawag ng lalaki sa kanyang nobya

-Pinangaralan naman ito ni Willie bagamat ginawa na lamang itong katatawanan sa show

Napuno ng tawanan ang studio ng programang Wowowin noong Marso 6 matapos magkamali ang nobyo ng isa sa mga contestant ng Willie of Fortune.

Imbes kasi na Cris ang itawag ng lalaking si Moy sa kanyang nobya ay Michelle ang naitawag nito sa babae.

Paliwanag nito, asawa ng kanilang kapitbahay ang Michelle na kanyang naitawag sa nobya.

Inamin nitong nagkamali siya at natawa na lamang sa kanyang nagawa.

Samantala, pinangaralan naman ni Willie Revillame ang binata at kalaunan ay ginawa na lamang katatawanan ang pagkakamali nito.

“Dalawang taon na kayong magkarelasyon. First time niyo mapanood sa telebisyon. Tatawagin mo ‘yung girlfriend mo ng Michelle? Hello! Sino si Michelle?” ani kuya Wil.

Hindi na rin initriga pa ng sikat na host ang dahilan kung bakit biglang nagkamali ang binata.

Game pa rin naman ang contestant na si Cris kasama ang kanyang kakambal sa laro kahit pa nga may kakatwang nangyari dito.

Watch video:

Source: Kami.