-3 lalaki ang itinurong ꜱυꜱρeƙ ng isang witness na lumutang kaugnay sa ρɑɠρɑtɑყ sa isang grade 9 sa Cebu

-Idinetalye ng witness kung ano ang naging kontribusyon ng bawat isa sa karumal-dumal na ρɑɠρɑtɑყ sa 16-anyos

-Ayon sa huling nakasama ng biktima, pauwi na sila nang biglang nawala ang dalaga

Isang witness ang lumutang sa karumal-dumal na ρɑɠρɑtɑყ sa isang 16-anyos na dalaga sa Lapu-Lapu City sa Cebu na naibalita na ng KAMI, ayon kay Senior Superintendent Lemuel Obon.

Ayon sa witness, tatlong lalaki ang pumaslang sa biktima na si Christine Lee Silawan sa isang bakanteng lote sa Barangay Bangkal sa Lapu-Lapu City.

Ang isa umano sa mga ito ang may hawak sa biktima habang ang isa naman ang sumaksak dito. Ang ikatlong suspek naman ang siyang nagbalat sa mukha ng kawawang dalaga.

Sabi ni Obon ayon sa ulat ng Cebu Daily News, panggagahasa ang posibleng motibo sa krimen.

Ngunit walang sinuman ang nakarinig sa sigaw ng biktima ayon pa kay Obon.

Samantala, sa CCTV na nakuha mula sa Sacred Heart Parish Church sa Barangay Pajac kung saan huling pumunta ang biktima, nakita itong kumakain ng balut kasama ang isang kasamahan bago ito nawala.

Sabi naman ng sekretarya ng simbahan na si Rosana Rondina, huli nilang nakita ang dalaga kasama ang isang altar boy pauwi.

Ayon sa altar boy, pauwi na raw sila nang magpunta muna siya sa CR at sinabihan pa raw ang dalaga na maghintay sa labas ng simbahan.

Pagbalik umano nito ay wala na ang dalaga.

Posibleng inisip ng altar boy na umuwi nang mag-isa ang dalaga ayon kay Rondina.

Source: Kami