– Marami ang bumilib kay Wowie de Guzman dahil sa kanyang inspiring journey sa pagiging strong single father

– Sa kabila ng sakit na naidulot sa pagkawala ng kanyang misis ay nananatili pa rin itong malakas

– Nakakabilib naman talaga ang kanyang pagpursigi na maging “the best father” sa kanyang anak

Nakakahangang malaman at makita kung gaano nakakabilib ang inspiring journey ni Wowie de Guzman bilang isang strong single father at spotted ng KAMI ang ilang mga sweet snaps ng father and daughter.

Sa kabila ng sakit na naidulot ng pagpanaw ng kanyang aswa, nananatili pa ring matatag ang dancer-actor para maging isang “the best father” sa kanyang anak na babae na si Raff.

Featured ng push.com.ph, ang ilang mga sweet snaps nina Wowie at Raff na proud na ibinahagi ng ama sa kanyang Instagram page.

Ininilarawan si Wowie bilang isang napaka “hands-on” na ama pagdating sa pag-aalaga ng kanyang anak na babae, at ito ay sa kabila ng kanyang busy schedule.

Bukod sa father and daughter regular food trips at traveling, nakabuo ng matatag na bonding ang isa’t isa.

At kung pagbabasehan lahat ng nangyari kay Wowie at ang mga piling larawan nila ng kanyang anak ay masasabi na talagang nakakabilib, nakakahanga, at nakaka-inspire ang dancer-actor-father.

Pagbahagi pa ng source entertainment outlet, kailangang harapin ni Wowie ang responsabilidad sa pagpapalaki ni Raff pagkatapos pumanaw ang asawa noong 2014.

At sa gitna ng maraming mga pagsubok sa buhay dala ng solo parenting, nagtagumpay naman si Wowie at naka-inspire pa ng maraming mga tao na huwag sumuko.

Source: Kami