– Isang Wowowin’ contestant ang umantig sa puso ng maraming audience at netizens

– Ito ay dahil sa kalungkutan ng buhay ng contestant kung saan kailangan niyang mamulot ng butil ng bigas para lamang may makain siya

– Naiyak naman ang mga manonood, lalung-lalo na ang isang lalakeng talagang napaluha dahil sa kwento ng contestant

Isang kwento ng pag-asa ang buhay ng contestant sa Wowowin’. Dahil sa kanya, maraming audience, pati netizens, ang nabigyan niya ng bagong pag-asa.

Nalaman ng KAMI na may isang matandang contestant sa Wowowin’ na nagbahagi ng kanyang buhay.

Sobrang hirap daw si lolo kaya namumulot siya ng butil ng bigas at iipunin ito para lang may makain.

Pinahanga ni lolo ang mga audience pero may isang lalake doon na talagang napaluha.

Nakita siya ni Kuya Willie Revillame, at nang tinanong, sinabi niyang si lolo ay namumulot ng butil ng bigas para lang makakain, pero tayo, marami pa tayong reklamo kaysa magpasalamat sa blessings.

Maraming audience ang pumalakpak sa sinabi niya. Ito’y totoo at siguradong naka-relate ang marami sa ganito.

Bukod kay lolo, may isa pang contestant ang Wowowin’ na nag-viral din, pero siya’y nag-viral dahil uminit ang kanyang ulo.

Si Willie Revillame ay isang Filipino komedyante, host at aktor.

Siya ang kilalang host ng Wowowin’, isang sikat na noontime show sa GMA.

Watch video:

Source: Kami.